Have you ever…
I have 76 pending friend requests in facebook. Ung iba di ko lang talaga trip maging ka-fb, yung iba hindi ko talaga kilala, yung iba naman kahit siguro si madam Auring ay di mahuhulaan kung tao o zombie ang nang-iinvite kasi profile pic palang matatakot ka ng i-accept dahil kundi morbid eh mahalay lang ang dating. I already deleted 5-10 persons due to personal reasons. Sige sasabihin ko na. May mayabang mag-status at mag-post ng kung anu-ano. Walang problema kung sadyang mayaman ka pero allergic ako sa sobrang mayabang na mayaman kahit mabait ka pa. Yung iba namang nadelete ko dahil sa negative ang image niya o diba kulang nalang i-present ang nbi clearance niyo bago ko ma-approve ang friend request. But the experience I had today was totally freakin’ awkward. Somebody in the office borrowed my charger and guess who…yung deleted friend ko na officemate! Pak!
